Pages

How To Go To Secret Garden Resort and Venue Novaliches

Lazada PhilippinesAng Secret Garden Resorts and Venue ay isa sa mga pinakasikat na event venue na matatagpuan sa puso ng Novaliches. Ito ay kilala na rin bilang place kung saan nagti-taping, nag pi-press launch at photoshoot ang mga sikat na artista. Dito din ginanap ang ilan sa mga malalaking tagpo gaya ng debut ng Chinita Princess na si Kim Chui.

Anung Meron sa Secret Garden?

Upang malaman ang buong facilities at amneties ng lugar bumisita lamang sa kanilang website: http://secretgarden.ph/

Bukod sa magandang ganapan ng kasal, debut or birthday celebration, maaari ring mag stay sa kanilang mga available na rooms na parang hotel style. Mayroon ding restaurant sa loob na may mga putaheng sakto sa panlasang Pinoy. May pool area na pwedeng gamitin either day-time, night-time  overnight.

Paano pumunta sa Secret Garden?

1. Sumakay ng mga Bus na pa Novaliches Bayan. (Siguraduhing ito ay mga bus na maglalakbay sa EDSA)
2. Sabihin sa driver na ibaba ka sa "Novaliches Proper".
3. Dito'y maari nangmag abang ng dilaw na tricycle at sumakay. Sikat ang Secret Garden Venue sa lugar na ito.

Palatandaan

  • Pagkalampas na SM Novaliches ay mag antay lang ng humigit kumulang 10 minutes at makakikita na ang mataong lugar ng Nova Bayan. May simbahan rin at mapapansin mo na pataas ng lugar. Pwede ka na bumaba sa Nova Bayan at magabang na lamangg ng Tricycle ngunit para may makatipid kailangan mong magtungo sa Nova Proper na kaunting distansiya lamang ang layo sa Nova Bayan.
  • Ang terminal ng dilaw na tricycle ay nasa gilid ng Astrotel na katapat naman ng Save More.

Estimate Travel Time: 1-2 oras depende sa traffic kaya't maaga ka na ring umalis sa iyong tahanan.

Secret Garden

Seiko St, Interville 3, Novaliches Quezon City